Wednesday, August 25, 2010

Ano nga ba?

Ano nga ba ang mararamdaman kung nakapanood ka ng isang kalungkot-lungkot at ng isang kaliligayang balita? Parang hinahalukay ang kalooban mo diba?


Pareho tayo. Ako ay isang Pilipinong mahal ang ating bayan at ang mga tao dito. Ang aking bansa ay maganda; hitik sa napakadaming natural na resrources. Masasabi kong mayaman din ang aking bansa. Tumingin ka sa kalangitan hanggang sa dagat, madami ang aking bansa na magagandang tanawin. Malungkot nga lang na hindi marunong ang aking mga kababayan na mag alaga ng kalikasan.


Ang nangyaring "hostage drama" kung tawagin nila ay isang bagay na walang may kagustuhan. Ako ay nalulungkot kung paanong hindi handa ang ka-pulisan sa kung paano mare-resolba ang sitwasyon. Malungkot dahil madaming nadamay na inosenteng indibidwal na walang hangad sa ating bansa kundi ang masaksihan ang kagandahan nito. 


Sayang. Sayang dahil nagkaroon ng lamat ang relasyon naten sa ating kapitbahay na bansa. Hindi naten masisisi na gnun nalamang ang kanilang reaksyon sa nangyari. Intindihin sana ng kapwa ko Pilipino ang kanilang paghihignapis at ang kanilang sentimyento tungkol sa mga nangyari. 


Ang mga Pilipino ay marunong. Ang mga Pilipino ay matalino. Ang mga Pilipino ay marespeto. Ngunit masasabi ko bang marunong, matalino at marespeto kung makikita ko kung paano hindi organisado ang humwak sa sa trahedyang nangyari? Masasabi ko bang marunong, matalino at marespeto ang kapwa ko Pilipino kung makikita kong nag papa litrato ang iba kong mga kababyan sa pinangyarihan ng trahedya? Masasabi ko bang marunog, matalino at marespeto ang kapwa ko Pilipino kung makikita ko silang nagtuturuan kung sino ang may sala? isang malaking HINDI!


Nakakalungkot na isipin pero ako ay nagpapasalamat sa Diyos na tayo ay PINALO NYA. Masasabi ko na isa itong panggising sa ating lahat kung paano ang KURAPSYON ay nilumpo ang bawat sekta ng ating bansa. Hindi lang po ang ating kapulisan ang kulang na kulang sa mga kagamitan, sa pagsasanay at sa kaalaman. HALOS LAHAT! Kung hindi ito aaksyunan ng may kinauukulan.. maaring maging huli ang lahat sa ating bansa.


Pero ako ay naniniwala na may pagkakataon ng pagbabago. Ako ay naniniwalang may panahon ng pagbuklod-buklod. Ako ay naniniwala na may panahong aasenso din tayo. Madapa man, hindi nagsisisihan kung baket nadapa kundi magtutulungan kung paano tatayo.


Gaya nalamang ng ating Ms. Universe 2010, Venus Raj. Bagama't hindi nasungkit ang korona, para sa akin magaling siya. Hindi man maganda ang kanyang sagot ipinakita lamang nya ang laman ng kanyang puso sa buong mundo. Na tayong mga Pilipino ay mapagmahal, marunong, matalino at marespeto. Kung nanghihinayang ang iba dahil hindi nakuha ang korona, sa tingin dapat hindi. Maging si Venus ay hindi nanghinayang at nalungkot. Yun ang pinaka magandang sagot sa tanong na iyon mula sa kanyang puso. Mabuhay ka VENUS RAJ!


Malungkot ngunit masaya naman. Ganyan tayong mga Pilipino. Lumalaban. Pero lumaban sana tayo sa tama. Kung dahil sa naganap na trahedya ay hindi mamumulat ang gobyerno na kelangang pinapalakas ang kapulisan at ang ating seguridad. Maraming nanghinayang pero sa tingin ko ang pinaka mainam na gawin nating lahat ay ang magkaisa sa iisang adhikain. Yun ay ang bumungon muli! Manalig sa Diyos na kaya nateng ayusin ang ating mga pagkakamali at matuto dito. Na pwede din tayong mangarap na magiging maganda at asensado din ang Pilipinas.


Hindi pa huli ang lahat. Kaya naten ito.